Lyrics » Parokya Ni Edgar lyrics » Maniwala Ka Sana lyrics

Maniwala Ka Sana Lyrics

by

Parokya Ni Edgar



Nung una kitang nakilala di man lang kita napuna,
Di ka naman kasi ganoon kaganda, di ba?
Simpleng kabatak, simpleng kabarkada lamang ang tingin ko sa'yo.
Di ko talaga alam kung bakit ako nagkakaganito!
Ako'y napaisip at biglang napatingin, di ko malaman kung anong dapat gawin!
Dahan dahang nag-iba ang pagtingin ko sa 'yo,
Gumanda ka bigla at ang mga kilos mo'y nakakapanibago!
Napansin ko na lamang na nalalaglag ang aking puso.
Bad trip talaga! naiinlab ako sa 'yo!
Tuwing kita'y nakikita ako ay napapangiti,
Para bang gusto kong halikan ang iyong mga pisngi!

Minamahal kita! ba't di ka maniwala!
Anong kailangan kong gawin upang seryosohin mo ang
Aking sinasabi tungkol sa pag- ibig ko sa 'yo?
Maniwala ka sana, minamahal kita!

Nasira na yata ang ulo ko, kaiisip ko sa 'yo
Kahit saan tumingin ay mukha mo ang nakikita ko!
Pero bakit para kang naiilang, ako ay iyong iniiwasan?
Ako'y nahihirapan uy, wala namang ganyanan!
Pakiramdam ko ngayon ako ay nagmumukhang gago!
Ngayon ako'y nagsisisi kung bakit ako nag "I love you"!
Kasi di na tayo tulad ng dati
Ngayon sa akin ay diring-dire!

Minamahal kita! ba't di ka maniwala!
Anong kailangan kong gawin upang seryosohin mo ang
Aking sinasabi tungkol sa pag- ibig ko sa 'yo?
Maniwala ka sana, minamahal kita!



Comments
No one has commented yet. Be the first!

Name:
Comment:
chars remaining
Latest Lyrics; Windowpane Lyrics - Hand Of God Lyrics - Yertle The Turtle Lyrics - Glendora Lyrics - Alucinado Lyrics - Another Cold Day Lyrics - Bad To Me Lyrics - All That Easy Lyrics - See You On The Other Side Lyrics - Sexual Healing Lyrics - Yes I Will Lyrics - Everything Passing By Lyrics - Rapa Rapa Lyrics - English Tea Lyrics - Winds Of March Lyrics

Latest Artists; Patty Pravo Lyrics - Changing Faces Lyrics - Broken Spindles Lyrics - Benjamin Britten Lyrics - Brassmunk Lyrics - Reef The Lost Cauze Lyrics - Brian Kennedy Lyrics - Boyracer Lyrics